Nagwakas ang buhay ng isang masayahing mag-aaral sa kolehiyo matapos siyang manlaban sa dalawang holdaper na dahilan para siyang saksakin ng 18 ulit sa Taguig, City.
Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News "24 Oras" nitong Martes, ipinakita ang mga social media posts ng biktimang si Nick Russel Oniot, isang architecture student.
Matiyaga raw mag-aral, masayahin at palabiro si Oniot.
Pero nitong nakaraang Biyernes ng gabi, winakasan ng dalawang holdaper ang kaniyang buhay habang papauwi.
Sa kuha sa closed-circuit-television camera ng barangay, makikitang naglalakad sa gilid ng kalsada ang biktima nang sunggaban ng isang suspek ang backpack niya.
Nang hindi ito binitiwan ni Oniot, sumugod ang isa pang suspek at doon na siya sunod-sunod na pinagsasaksak.
Paalalala sensitibo ang video
Nang hindi nakuha ng mga suspek ang bag ng biktima, kaagad silang tumakas.
Ang duguang biktima, nagawa pang pumara ng sasakyan para humingi ng tulong pero hindi siya hinuntuan hanggang sa bumagsak na siya sa kalsada.
Makikita rin na may tao sa lugar at nakakita sa duguang biktima pero hindi rin siya kaagad tinulungan, na nagpadagdag sa sama ng loob ng kaniyang pamilya.
Sa tulong CCTV video, nakilala ang mga suspek na sina Ricardo Clave, 29-anyos, at Marvin Bernardo, 36-anyos, na nadakip sa follow-up operation.
Napatay ng mga pulis si Bernardo matapos mang-agaw raw ng baril habang nasa police mobile patungo sa himpilan ng pulisya.
Panawagan naman ng ama ng biktima sa pamahalaan, paigtingin pa ang kampanya laban sa mga kriminal. -- FRJ, GMA News
source

Loading...
Visit and follow our website: Philippines News Blog
© Philippines News Blog
No comments:
Post a Comment