UPDATE: Ikatlong dawit sa Bulacan massacre, natagpuang patay - N.D.T

Latest

Netizen Daily News(Feed your mind)

Friday, July 7, 2017

UPDATE: Ikatlong dawit sa Bulacan massacre, natagpuang patay



Patay na umano ang isa pang "person of interest" o taong itinuturong may kaugnayan o may nalalaman sa pagpatay sa pamilya ni Dexter Carlos Sr. sa San Jose del Monte, Bulacan.



Sabado ng umaga ay kinumpirma sa DZMM ng isang kamag-anak ng person of interest na si Anthony Garcia, alyas "Tony," na patay na ito.
Dinukot si Garcia sa bahay ng lolo niya sa Bulacan noong Biyernes ng madaling araw, ayon kay Superintendent Fitz Macariola ng pulisya sa San Jose del Monte.

Ayon sa kamag-anak ni Garcia, may tumawag sa kanila Sabado ng umaga upang ibalitang may natagpuang bangkay sa Pacalag, San Miguel, Bulacan. Nang puntahan nila ito ay nakumpirma nilang si Garcia nga ito.
Si Garcia ay ang pangatlong person of interest sa masaker sa Bulacan na natagpuang patay.
Isa siya sa mga itinuro ng suspek na si Carmelino "Miling" IbaƱez na kasabwat umano sa pagpatay sa biyenan, asawa at tatlong anak ni Carlos.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Rolando Pacinos, alyas "Inggo," noong Martes.

Kasunod nito ay binaril ng hindi pa kilalang salarin na pumasok sa loob ng kanilang bahay si Rosevelth "Ponga" Sorima.
Samantala, nawawala pa rin ang huling person of interest na si Alvin Mabesa, na dinukot umano ng mga lalaking sakay ng isang van.
Loading...
DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Visit and follow our website: Philippines News Blog

© Philippines News Blog

Share It To Your Friends!

No comments:

Post a Comment