Ayon Kay Atty. Larry Gadon Dapat Ng Sibakin Si Sen. Allan Peter Cayetano Matapos Aprubahan Ang Provisional Franchise ng ABS-CBN - N.D.T

Latest

Netizen Daily News(Feed your mind)

Thursday, May 14, 2020

Ayon Kay Atty. Larry Gadon Dapat Ng Sibakin Si Sen. Allan Peter Cayetano Matapos Aprubahan Ang Provisional Franchise ng ABS-CBN



“Wala sa saligang batas ang provisional franchise.”
Nitong umpisa ng Mayo ay naging laman ng mga balita ang pagpapahinto ng National Telecommunication Commission (NTC) sa ABS-CBN na umere. Ito ay sa kadahilanang paso na ang legislative franchise ng nasabing istasyon.



Pero ilang araw lang ang nakalipas ay naglabas ng provisional o temporary franchise ang Kongreso para sa Kapmilya network sa pangunguna ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Ang naging hakbang ng mababang kapulungan ay hindi nagustuhan ni Atty. Larry Gadon.

“Dapat palitan na lang siya (Cayetano) dahil hindi niya maitama ang pag-guide niya sa kongreso. Hindi maganda ang umaga ni Cayetano dahil maraming objections ang ginawa niya kahapon… Hindi ito sang-ayon (sa batas). Sapagkat ito ay nakapaloob sa konstitusyon. Ang isang batas bago mo maipasa, kailangan dumaan iyan sa 3 days on seperate days. Hindi pwedeng ngayon mo finile, 30 minutes before the session.. then ngayon mo rin ipapasa. Minadali, labag iyan sa konstitusyon,” banat ni Atty. Gadon.

Naniniwala din si Atty. Gadon na dapat binigyan muna ng pagkakataon para imbestigahan ang ABS_CBN bago nagpasa ng panukalang batas.
“Hindi man lang nabigyan pagkakataon ang mga oppositors. On record, mayroong finile si deputy speaker Paolo Duterte calling for an invetigation on the violations of ABS-CBN. Oh bakit hindi binigyan ng pagkakataon iyon? Mayroong opposition ang Federation Of International Cable T.V. Association Of The Philippines (FICTAP). Mayroon din nakabinbin na kaso sa supreme court questioning the violation og ABS-CBN,” saad ni Atty Gadon.
Pinaplano na din ni Atty. Gadon na kuwestiyunin ang legalidad ng panukalang batas at may kinakasa na siyang petisyon laban dito.

“Hinahanda ko na ang petition ko diyan. Mayroon na akong skeleton ng petition ko. Dahil unang-una, hindi sumunod sa batas. ANg liwanag, basahin mo ang section 26 ng constitution,” dagdag pa ni Atty. Gadon.
Makikipag-ugnayan din daw siya sa Malacañang upang kontrahin ang batas kung sakali.



SOurce: DZAR
Loading...
DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Visit and follow our website: Philippines News Blog

© Philippines News Blog

Share It To Your Friends!

No comments:

Post a Comment