Binatikos ni Aiko Melen
dez ang tila pagdadrama diumano ni Senator Leila de Lima kaugnay ng alegasyong drug protector diumano siya noong nanunungkulan siya bilang Department of Justice (DOJ) secretary.
dez ang tila pagdadrama diumano ni Senator Leila de Lima kaugnay ng alegasyong drug protector diumano siya noong nanunungkulan siya bilang Department of Justice (DOJ) secretary.
Sa Facebook post niya , sinabi ni Aiko na dapat ding isipin ni De Lima ang kanyang mga ginawa noon na paglaban sa illegal activities sa bansa, kung saan maaari ring may nasaktan siya.
Pahayag ng dating konsehal ng Quezon City, “Sa Filipino culture, mataas ang respeto natin po sa mga babae
“At lalo na kung papasok ka sa mundo ng pulitika, dapat matibay and puso, paninindigan, at higit sa lahat prinsipyo sa buhay…
“Otherwise, makakain ka ng sistema ng pulitika…
“Sa nangyayari kay Sen. De Lima na diumano Drug Protector, ayon sa mga naglalabasang ebidensya laban sa kanya, dapat maging matibay din ang loob niya sa pagharap at pagpapatunay niya ng kanyang side kung siya ay inosente…
“Di pwede ang pusong mamon dito.
“Nung panahon na binabatikos niya kaliwat kanan ang mga taong sangkot sa mga illegal na activities sa ating lipunan, di naman niya din naisip na maaring ang mga taong sangkot ay me anak na babae or nanay.
“Kaya sa paglilitis ngayon sa Drug protector issue, dapat harapin nya ito bilang isang lider na di nya kinakailangan igiit na sya ay babaeng binabastos at pinagtutulungan…
‘After all, ang mga Pilipino ay matatalino at mapagpatawad.
“Pero sa puntong ito, sana maisip dn ni Sen De Lima ang mga babaeng nalulong sa droga at kaayusan ng pamilya ng dahil sa lumalaganap na droga…
“Di ito usapin ng Gender… usapin ito ng lumalalang problema ng ating bayan at yan ang Droga…”
Loading...
Visit and follow our website: Philippines News Blog
© Philippines News Blog
No comments:
Post a Comment