Ipinakilala na nitong Miyerkules ang Kapuso actress na si Kim Domingo bilang ang 2017 Calendar Girl ng Ginebra San Miguel at ang pinakabagong muse ng basketball team nito.+
Isang malaking karangalan raw para sa aktres ang mapabilang sa Ginebra San Miguel family, lalo na't sumunod siya sa mga yapak ng ilan sa malalaking artista sa industriya, tulad na lamang nina Solenn Heussaff at Marian Rivera.
Ayon kay Kim, "Hindi ako makapaniwala na ako ang napili ng Ginebra San Miguel na maging calendar girl for 2017. Sobrang nagpapasalamat ako sa GSM family for choosing me. Isa lang ang maipapangako ko—na hindi sila magsisisi sa pagpili sa akin. I will do my very best para ma-represent nang maayos ang produktong ito."
Ayon kay Nelson Elises, ang vice president at marketing manager ng nasabing brand, isang magandang halimbawa si Kim ng kanilang kampanyang "Ganado Sa Buhay."
"In the past years, we chose rising stars who are undoubtedly flourishing in their respective careers today. This year, we chose someone who is in the point of taking off in their career. It is our intention, as a team, to support her and to grow with her," aniya.
Dagdag pa ni Elises, "We chose this girl because her journey embodies Ginebra San Miguel's 'Ganado sa Buhay' mantra. She's someone who continues to chase her dreams and strive to be better."
Loading...
Visit and follow our website: Philippines News Blog
© Philippines News Blog
No comments:
Post a Comment