Sa
pamamagitan ng affidavit, inilahad ng bilanggong si Jaybee Sebastian na
kausap pa niya ang dalawang kapwa bilanggo na sinasabing nanaksak sa
kanila sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) nitong Miyerkules ng umaga.
Sa kopya ng sinumpaang salaysay ni Sebastian na nakuha ni GMA News reporter Jamie Santos, sinabi ni Sebastian na bago ang pananaksak ay kausap pa niya ang mga kapwa bilanggo na sina dating Chief Inspector Clarence Dongail at Tom Donina.
Ipinaliwanag umano niya kay Dongail ang kumakalat na balita tungkol sa umano'y plano niya at isa pang bilanggo na si Hanz Tan para ipapatay ang misis ni Dongail na si "Grace."
"Ang sabi ko kay Major Clarence, na tutal na pag-uusapan lang naman, Eto ang totoo estorya diyan: Sinabihan ni Peter Co (isa ring bilanggo) si Jenny na asawa ni Tony Co (isa ring bilanggo) [na], 'sama ka ng sama dyan sa asawa ni Dongail, sa dami ng ginawang katarantaduhan ng asawa nyan baka gantihan si Grace at imbis na ang bala para sa kanya ay ikaw ang sumalo," saad sa affidavit ni Sebastian.
Patuloy ni Sebastian, sinabihan umano siya ni Dongail na siya at si Hanz ang narinig umano ni Peter Co na nagbabalak ng masama sa asawa ng dating pulis.
"Pero nakatawa si Major Clarence habang kinukwento sa akin. Habang kami ay nag-uusap, nagsalita itong si Tom na: 'Kalimutan na natin yang mga ganyang issue'," ayon pa kay Sebastian.
Habang nag-uusap umano silang tatlo, sinabi Sebastian sa salaysay na dumating naman at pumasok sa kanilang kubol sina Peter Co, Tony Co at Vicente Sy (isa ring bilanggo).
"Agad kong tinuro si Peter Co kay Major Clarence at sinabihan ko si Major Clarence na 'Speaking of the Devil, ayon na yong gago!" paglalahad ni Sebastian.
Nakita umano ni Sebastian na sinundan ni Dongail sa kubol sina Peter Co, Tony Co, at Sy, at nanood na siya ng TV sa mess hall kung saan siya sinaksak ni Donina.
"Pagpasok ng tatlo sa kubol ay agad sinundan ni Major Clarence at ako naman ay nanood na ng TV. Ilang sigundo lang, pagkatingin ko lang sa TV ay yon nga bigla na ngang may sumaksak sa akin at ng lingunin ko ay si Tomas Donina," ani Sebastian.
Wala umanong maisip si Sebastian na ibang dahilan para saksakin siya ni Donina maliban sa pagiging, "Tao siya ni Clarence."
Habang lumalaban kay Donina, sinabi ni Sebastian na sumisigaw siya ng tulong.
Kasabay nito, narinig niya sa loob ng kubol nina Co kung saan sumunod si Dongail ang sigaw ng mga nagmamakaawa na, "'Tama na! Taman na!"
Nasawi sa naturang pananaksak si Tony Co, habang nasugatan sina Peter Co, Sy at Sebastian.
Ang pahayag ni Sebastian ay iba sa kuwento umano ni Dongail na sinasabing nag-ugat ang gulo nang sitahin nila ang tatlong bilanggong Chinese dahil sa paggamit ng droga sa kubol.
Gayunman, lumabas sa mga ulat na walang nakitang drug paraphernalia ang mga awtoridad sa kubol.
Ayon kay Sebastian, pinag-aaralan pa ng kaniyang abogado kung magsasampa siya ng demanda laban kay Donina.
Ang mga bilanggong nabanggit ay kabilang sa mga high profile inmates sa NBP na tinaguriang "Bilibid 19."
source:gmanetwork

Loading...
Visit and follow our website: Philippines News Blog
© Philippines News Blog
No comments:
Post a Comment