Isinampa na ang kaso sa Korte Suprema para matanggal ang pagkaabugado ni Sen. Delima - N.D.T

Latest

Netizen Daily News(Feed your mind)

Friday, October 28, 2016

Isinampa na ang kaso sa Korte Suprema para matanggal ang pagkaabugado ni Sen. Delima



Nagsampa ng disbarment case sa Korte Suprema ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at dalawang dating opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Senator Leila De Lima.

Sa 43-pahinang reklamo, hiniling ng VACC at dalawang dating NBI deputy directors na sina Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala kasama ang whistleblower na si Sandra Cam na matanggalan ng lisensya sa pagiging abogado si De Lima.



Ito ay dahil sa umano ay gross immorality at paglabag sa Lawyer’s Oath at Code of Professional Responsibility ng senadora.

Ayon sa reklamo, pribilehiyo ang pagiging abogado at maari itong bawiin.

Ibinase ang reklamo sa testimonya ng mga testigong humarap sa House Committee on Justice sa pagdinig nila hinggil sa paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Sa pahayag ng mga high profile inmates sa NBP, idiniin nila si De Lima na protektor ng ilegal na droga sa loob at maging sa labas ng Bilibid.

Sinabi sa reklamo na ang illegal drug trade sa Bilibid ay lumaganap para mapondohan ang kampanya ni De Lima sa pagkasenador.




source
Loading...
DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Visit and follow our website: Philippines News Blog

© Philippines News Blog

Share It To Your Friends!

No comments:

Post a Comment