Rep. Lagman sa pag-apruba sa death penalty: 'A deadly Christmas gift'
Tinawag na "deadly Christmas gift" ni Albay Rep. Edcel Lagman ang planong pagpasa ng Kamara sa panukalang magbabalik sa death penalty.
Sinabi ni Lagman na gagawin nila ang lahat para lamang hindi matuloy ang reimposition ng capital punishment na ninanais ng supermajority.
Aniya, kagaya na lamang daw ng 20 taon na iginugol para buwagin ang death penalty sa bansa, handa umano siyang gumawa muli ng mga aksyon para lamang idiskaril ang pagbuhay nito kahit pa abutin siya muli ng ganoong kahabang panahon.
Inihayag kasi ni House Speaker Pantaleon Alvarez sa isang interview sa Japan sa gitna ng official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte, na ilulusot daw ng mababang kapulungan ng Kongreso ang kontrobersyal na hakbangin bago pa man daw ang kanilang Christmas break.
Iginiit naman ni Lagman na ang naturang parusa ay anti-human rights, non-deterrent at anti-poor.
Loading...
Visit and follow our website: Philippines News Blog
© Philippines News Blog
No comments:
Post a Comment