Nakusahan in Sen. Leila de Lima nitong Huwebes si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kabilang ang isa o dalawang mga senador na umano'y sangkot sa pork barrel scam, na kinakasangkapan si Pangulong Rodrigo Duterte upang isagawa ang kanilang paghihiganti sa kanya.
Sa isang pulong-balitaan sa Senado, inihayag ni De Lima na “powerful personalities" na pinaimbestigahan niya dati ay gumawa ng alyansa upang pahirapan siya.
“I’m referring to personalities lalo na the powerful ones na natapakan ko nung ginagawa ko yung trabaho ko as secretary of Justice,” pahayag ni De Lima.
“[These involve] high-profile cases. Some people keep on blaming me until now dun sa pagharang ko nung lalabas sa bansa yung dating Pangulo (Arroyo), diba? And even the President is saying na I will suffer daw the same fate of former President [Arroyo]. In other words, I will rot in jail,” dagdag ng senadora.
Matatandaang noong 2011, hinarang si dating Pangulong Arroyo ng Immigration officials at hindi pinasakay sa kanyang flight patungo sa ibang bansa, kahit na ipinahinto na ng Korte Suprema ang mga "watch list order" laban sa kanya.

Loading...
Visit and follow our website: Philippines News Blog
© Philippines News Blog
No comments:
Post a Comment