Bahay ni Senator Drilon sa Iloilo pinasabogan ng granada - N.D.T

Latest

Netizen Daily News(Feed your mind)

Tuesday, November 1, 2016

Bahay ni Senator Drilon sa Iloilo pinasabogan ng granada



Hindi pa rin matiyak ngayon ng mga pulis kung sino ang may kagagawan at kung talagang ang pamilya Drilon ang pakay ng pagsabog nga granada malapit sa bahay ni Senate Protempore Franklin Drilon sa Barangay East Baluarte, Molo, Iloilo City.




Inihayag ni S/Insp. Mark Cordero, na bagamat hindi pa malinaw subalit naniniwala silang ang grupong Rampage, isang gang ng mga kabataan ang may kagagawan sa pagpapasabog ng granada.

Idinahilan ng hepe na ito ay dahil magkapareho ang puting sasakyan na gamit ng suspek o mga suspek at nang grupong Rampage na nanggulo rin sa lungsod noong nakaraang araw.

Gayunman hindi nakilala ang may-ari ng kotse dahil sadyang tinakpan ang plate number nito.

Una rito, madaling araw noong Linggo nang inihagis ang granada kung saan isang menor de edad na babae ang nasugatan habang sira naman ang isang motorsiklong nakapark sa lugar at dingding ng kapitbahay ng senador.

Source: http://www.bomboradyo.com/news/top-stories/item/173766-suspek-di-pa-matukoy-sa-grenade-blast-sa-bahay-ni-drilon
Loading...
DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Visit and follow our website: Philippines News Blog

© Philippines News Blog

Share It To Your Friends!

No comments:

Post a Comment