Pinaulanan ng bala ng mga tropa ng Philippine Air Force ang bahay ng mga narco-politicians sa Talitay, Maguindanao. Gamit ang isang attack helicopter, nagsagawa ng anti-drugs raid ang militar at inatake ang mga tahanan ng mga politikong pinahihinalaang may kinalaman sa droga.
Target ng operasyon sina Talitay Mayor Montazir Zabal at iba pa. Si Zabal ay kasama sa Narco-List ni Pangulong Duterte. Ang kapatid ni Montazir na si Alan Zabal ay na-aresto na. Nang pasukin na ng militar ang bahay ni Mayor Zabal, doon na napagalaman na nakatunog ang mga target.
Nakatakas ang pinpakay ng mga militar. Nakuha sa bahay ng mga Narco-politicians ang ilang baril at mga pinaghihinalaang droga. Mahigit 2000 residente naman ang lumikas dahil sa isinagawang operasyon ng militar.
Hindi naman sila pinababayaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito na ang sagot sa mga puna ng mga kritiko ng kasalukuyang gobyerno. Sabi kasi ng mga kritiko ni Pangulong Duterte, puro lang daw mahihirap ang target ng Anti-Drug Campaign ng Gobyerno. Kontento ba kayo sa itinatakbo ng anti-drug operation ng pamahalaan?
via pinoyarticle
Loading...
Visit and follow our website: Philippines News Blog
© Philippines News Blog
No comments:
Post a Comment