Arestado ang dating alkalde ng Arayat, Pampanga at incumbent Barangay Chairman kasama ang tatlo pang ibang kasamahan sa isinagawang law enforcement operations ng pinagsanib na pwersa ng Pampanga CIDG, PNP SAF at Arayat PNP sa may Alonzo Subdivision, Barangay Cacutod, Arayat, Pampanga.
Sa report na isinumite ni PSSupt. Edwin Quilates, PNP Region 3 Chief kay PNP CIDG Chief PDir. Roel Obusan, bago pa man isinilbi ang search warrant sa target na subject na nakilalang si Luis Espino dating alkalde ng Arayat Municipal Mayor tumangging buksan ang gate ng kaniyang bahay at pinatay pa ang mga ilaw sa kaniyang compound at saka nagpaputok sa mga pulis na ikinasugat ni PO2 Robert Rob Fernandez at SPO1 Joy Venturillo.
Nagkaroon nang isang oras na labanan sa pagitan ng mga pulis at ng dating alkalde kasama ang kaniyang mga private armed groups o PAGs.
Nakilala ng PNP ang mga nakalabang PAGs na si Rosendo Dizon incumbent Barangay Chairman ng Barangay Cacutod, Cesar Peralta, Romy Mallari at Rosauro Dillera.
Sa isinagawang search operations ng mga raiding team tatlong granada ang narekober, 2 rifle grenades, 1 caliber 5.56, 3 caliber 45 pistols, caliber 9MM pistol mga magazines ng ibat ibang calibre ng armas, 19 na sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P450,000 mga drug paraphernalia ang kanilang narekober.
source: filipinonewsonline
Loading...
Visit and follow our website: Philippines News Blog
© Philippines News Blog
No comments:
Post a Comment