Nakatatakot ang pabata nang pabatang gumagawa ng krimen sa ating bansa. Dulot ba ito ng iresponsableng paggamit ng makabagong teknolihiya?
Isang 11-anyos na grade 4 pupil ang biktima ng diumano gang rape ng kaniyang mga schoolmate sa isang elementary school sa Ajuy, Iloilo City.
Naganap ang insidente nitong Marso 6 ngunit kahapon lamng nagreklamo sa mga awtoridad ang biktima; ayon kay C/Insp. Charlie Sustento, Hepe ng Ajuy-Philippine National Police.
Ayon kay Sustento, 11, 12, 14 at 15-anyos na Grade 5 pupils na mga suspek ang gumahasa sa biktima.
Sa ulat ng Bombo Radyo, Tanghali noong Lunes nang yayain ng mga suspek ang biktima sa bundok kung saan pinagsamantalahan ang babae.
Posibleng curiosity ang nagtulak sa suspek na gawin ang panghahalay dahil nanood pa ng pornographic videos ang mga ito bago ang isidente at maaaring sinubukan ang pinanood; ayon kay Sustento.
Dagdag pa ni Sustento, isinailalim na sa medical examination ang biktima. Kung sakaling magdemanda ang pamilya ng biktima, ang 15-anyos lamang na suspek ang makakasuhan dahil sa pagiging menor de edad ng mga salarin.
Kasalukuyang sumasailalim sa counseling ang biktima ng gang rape.
Loading...
Visit and follow our website: Philippines News Blog
© Philippines News Blog
No comments:
Post a Comment