MGA BAGONG ARMAS BINIGAY SA AFP NI PANGULONG DUTERTE PARA PULBUSIN ANG ABUSAYYAF - N.D.T

Latest

Netizen Daily News(Feed your mind)

Sunday, March 5, 2017

MGA BAGONG ARMAS BINIGAY SA AFP NI PANGULONG DUTERTE PARA PULBUSIN ANG ABUSAYYAF





ISA na namang dayuhan ang pinugutan ng ulo ng mga bandidong Abu Sayyaf noong Linggo nang hindi umabot sa deadline ang pagbabayad ng ransom money. Ang pinugutan ay si Juergen Gustav Kantner, isang German. Naganap ang pagpugot sa Bgy. Buanza, Indanan, Sulu. Ang nagsagawa ng pagpugot ay nakilalang si Muamar Askali alias Abu Rami. Humihingi ng P30 million ang mga bandido. Dinukot ang German  noong Nobyembre 2016.

Marami pa ang susunod na biktima kung hindi magsasagawa nang sunud-sunod na pagsalakay ang tropa ng gobyerno laban sa mga mamamatay-tao. Hindi sila titigil sa pangingidnap hangga’t nakikita nilang may nagbiigay ng ransom. Kaya isa lamang ang solusyon sa probema --- pulbusin na ang mga bandido. Huwag nang hayaang makapagbuo ng grupo. Tapusin na ang mga walang kaluluwa!

Noong nakaraang taon, dalawang Canadian ang pinugutan ng mga bandido. Ang una ay si John Ridsdel, 68, na hiningian ng P20 milyong ransom subalit hindi nakatupad ang pamilya. Ang ikalawa ay si Ro-bert Hall, 66, na pinugutan noong Hunyo 2016 nang hindi rin maibigay ang hinihinging ransom.


Loading...
DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Visit and follow our website: Philippines News Blog

© Philippines News Blog

Share It To Your Friends!

No comments:

Post a Comment