Kasunod ng naganap na pagkakamasaker ng mga biktima, ang tatlong anak, misis at byanan sa loob mismo ng kanilang bahay sa San Jose Del Monte, Bulacan. Personal na nakiramay ngayon si Pangulong Duterte kay Dexter Carlos.
Sinabi naman ng Pangulo na bagama’t hindi sana magandang idetalye ang ibibigay nitong tulong, pero dahil pondo ng gobyerno o public funds ang panggagalingan, minabuti niya itong ilahad na rin.
Ayon kay Pangulong Duterte, bibigyan niya si Carlos ng isang housing unit, financial assistance na aabot sa P175,000 at cellphone unit para matawagan siya anuman ang kanyang maitutulong.
Kaugnay nito, inulit ni Pangulong Duterte ang kanyang babalang papatayin niya ang sinumang sisira sa mga kabataan sa pamamagitan ng iligal na droga.
Iginiit ng pangulo na wala siyang pakialam sa mga human rights groups basta gagawin daw nito ang kanyang trabaho sang-ayon sa kanyang mandatong ipreserba ang sambayanan.
Sinabihan din nito ang mga human rights advocates na sabihan ang mga kriminal na itigil ang kanilang paggawa ng krimen para matigil na rin ang patayan.
“It would really be in bad taste to be talking about what were given to the family pero since it involves public funds, I offered a housing unit for them I gave something like P255,000 and P20,000 and even cellphone I told them its there anything you would need and you think I can help, call me. Itong mga killer, I undertsand one was found dead today, a ‘di naman kailangan mismong ano eh as I have told you this is an organization, a loose organization of criminal syndicates and droga. And I will repeat my warning, I told everybody since the beginning if you destroy my country I will kill you, if you destroy the young of this country, it happened here, its more… patay ‘yung mga bata, papatayin ko kayo,” ani Pangulong Duterte.

Loading...
Visit and follow our website: Philippines News Blog
© Philippines News Blog
No comments:
Post a Comment