Sabi nila walang pinipili pagdating sa pag-ibig. Lahat bulag kapag nainlove ka, walang kasarian, wala sa itsura, ugali o estado ng buhay basta nagmahal ka walang pero pero walang ano ano.
Tulad ng dalawang estudyanteng ito na pinatunayan na #lovewins. Kahit pa alam natin na konserbatibo ang ating lipunan na hindi pa ganoon sanay ang publiko sa mga magkakarelasyong pareho ng kasarian lalo pa at mga estudyante pa lamang sila. Hindi ito makakaligtas sa mga matang mapanghusga pero pinatunayan nila na kapag mahal mo kaya mong ipaglaban ito.
FIRST
1st, 2nd, 3rd year highschool tayo, hindi pa kita kilala nun. Classmate ka ng pinsan ko pero di kita kilala. 4th year highschool, January 2015. Tinawag ako ng kaklase ko dahil nasa labas daw ng room nila yung crush nya.
"Jobeth! Ang ganda nya no? Crush ko yan e. Galing kumanta." Tinignan kita tapos kumunot yung noo ko. Nung una di talaga ako nagandahan sayo nun e. Ang payat payat mo nun tapos ang karat karat mo. Tawa ka ng tawa sa may hagdan. Di talaga kita type nun e. Kaya napakunot nalang yung malapaliparan kong noo (Alam kong tatawa ka dito) kasi nagandahan sayo yung kaklase ko. Jusq. Kapayatutan. Saka ko nalang narealized, araw araw na pala kitang pinagmamasdan. Araw araw na kitang inaabangan sa may hagdan sa labas ng room nyo. Araw araw kitang hinahanap. May mga times na kapag magc-cr kami, nasa likod lang ng room namin yung cr pero ginusto kong umikot nalang para lang madaanan yung room nyo at masilip kita. Ganun ako ka-strong! Char. Hahaha. Maging sa pag-uwi mo. Minsan inaantay kitang umuwi bago ako uuwi. Nakikipagharutan ka pa kasi sa stage e. Kaya ginagabi ka na minsan sa pag-uwi. Hahaha. Ewan ko ba. Di naman ako nagandahan sayo, di rin ako nasexy-han kasi nga payatot ka.
February 2015. Foundation week ng RMTU. So, gumala kami ng mga kaklase ko then may nakita akong flower na may heart dun tas sa loob nun may singsing kaya binili ko. Hahaha. Saka ako nagsulat sa maliit na papel. "Hi crush." Pagbalik ng school, pinabigay ko sa kaklase ko yung bulaklak na yun sayo. Di ko na nakita reaction mo dahil nagtago na ko sa sobrang kahihiyan.
School fair natin sa ZNHS. Syempre may mga kanya kanyang booth. May letter booth doon. Bumili ako, yung tig-20 pesos ata yun. Yun yung pinakamahal at magandang design. Saka ako nagsulat. Di ko lang matandaan kung ano yung nakasulat. Yung booth kasi na yun, magsusulat ka lang sa bibigyan mo at sila na magbibigay sa taong pagbibigyan mo. So binigay na nila sayo yung letter. Nakatago lang ako sa room at nakasilip sa pinto. Pinagmamasdan ka habang binabasa mo yung letter. Napangiti ako kasi hinahanap mo kung sino nagbigay nun sayo at mas lalong lumaki ang ngiti ko nung binalik mo yung tingin mo dun sa letter saka ka ngumiti. Jusqlord! Kinilig ako! HAHA.
Battle of the bands. So ayun nga, syempre may konting program sa school fair. May battle of the bands. Nanunuod kami ng mga classmates ko. Tbh, di ako mahilig manuod ng mga ganyan e. Naiingayan ako masyado. Pero wala e. Napilit ako. Haha. Matapos magperform ang dalawang banda, may prod ka. Kakanta ka. Syempre excited ako. Kilegs kilegs ganern. Hahahaha. Nagsimula na yung tugtog at nagsimula ka narin kumanta. Nakangiti lang ako habang nakatitig sayo. Maya maya bigla kang napatingin sakin saka ka ngumiti habang kumakanta. (Ewan ko lang kung sakin ka ngumiti at tumingin ha. Pero nagtama talaga yung mga mata natin don. HAHAHA) AY POTEK! Di ko alam kung ano na nangyare sakin. Nagsisigaw at nagtatalon ako sabay hampas sa katabi ko (si Clarisse! Hi bae! Hahaha) Lechugas ba naman kasi. Ikaw ba naman kasi ngitian ng ganun ni Crush!? Aba'y kulang nalang maghalumpasay ako dun. HAHAHA.
Matapos mong kumanta, syempre nagperform na ang next band hanggang sa natapos na ang program. Pagtapos ng program kinausap ko si ate Geraldine. Pinapakuha ko yung number mo sakanya. HAHAHA. So lumapit sya sayo at kinuha number mo sabay napatingin ka sakin. Nagaalangan ka pa atang ibigay number mo. Syempre yumuko ako, nahiya ako e. Hahaha. Pero maya maya tinext kita... "Hi po! Ako po yung kasama ni Geraldine yung nanghingi po ng number nyo." HAHAHA Taragis na yan! Nagdadalawang isip pa ko isend sayo yan! Nahihiya nga kase ako. Pero wala e, kinapalan ko nalang mukha ko kaya sinend ko na. HAHA.
Magkatext na tayo nun. Pero syempre tipid tipid mo magreply kasi nga sino ba naman ako para pagaksayahin mo ng oras dibuh. Hahaha tas inamin ko sayong crush kita! Jusq.
Arts Camp. Alam ng buong klase ng Emerald na kaya lang naman ako sumama ng arts camp e para masulyapan ka. Hahaha. Sinama ako ng pinsan ko na kaklase mo sa klase nyo. So bale spa ang kasama ko nung arts camp kasi di kami nainform nung english teacher namin nun kaya di nakasama yung mga kaklase ko. Ako lang talaga nagpumilit na sumama nun. So ayun nga. Masaya. The best camp ever.
Dalawang araw lang ata yun e. May mga especialization yun, ang pinili ko e yung instrumental. Since singer ka, vocal naman yung iyo. Pareho yung building natin nun kaya, nung breaktime nagkasalubong tayo tas nginitian mo ko. Ayshet. Kilegs nanaman. Hahaha. Tapos ayun madaming nangyari hanggang sa kinagabihan may pageant. Di tayo naguusap kasi di naman tayo close. Magkatext lang tayo pero di tayo close. Hahaha. Patapos na yung pageant nun.
Nanunuod ako, katabi ko yung pinsan ko sa kaliwa tapos sa kanan ko naman... Ikaw. Nahihiya man ako sinubukan kong i-approach ka. Inasar kita nun. Tapos maya maya tumayo ka tas sinipa mo pwet ko in pabirong way. Hahaha. Natawa ako dun e. Leshe. Tas kinabukasan may pila yun para sa breakfast, tapos kayo tulog pa. Sinilip kita nun. Hahaha. Ang cute mo matulog e. Madaming nangyari kaya di ko na ikekwento ng buo. Basta dabest yung camping na yun.
Graduation day. March 2015. Ina-allergy ako so namamaga yung mata ko kaya wala akong masyadong picture nung graduation. Uwing uwi na ko nun. Pero naisip ko, bago man lang matapos to, bago man lang magkahiwa-hiwalay makapagpapicture man lang ako sayo kahit isa lang. Hahaha. So ayun nga, nasa pinakalikod kami ng mga kaklase ko, ikaw naman padaan daan tapos susundan kita ng tingin.
Kumukuha pa kasi ako ng buwelo para magpapicture sayo. Hiya ako e! Mga 30mins siguro ako naghintay. Hahaha. Eh ang kaso di na makapaghintay yung mga kaklase ko at urat na urat na silang tignan akong patingin tingin sayo. Biruin mo pati pag-inom mo ng tubig at pagpunas mo ng pawis titignan ko pa. HAHAHA. Nung dadaan ka na sana ulit, tinawag ka nila! Jusq nagulat ako dun. Nahihiya pa ko taena. Tinulak pa nila ako kaya wala na kong nagawa, kahit nahihiya ako nagpapicture nalang ako. (Lagay ko sa comment box yung picture na yon. Haha.) Syempre tuwang tuwa akong tinititigan yung picture. Pagtapos nun umuwi na ko. Di ko na pinatapos yung program. Di ko narin nakuha certificate ko. HAHAHA. Excited na umuwi e.
College. June 2015. Freshmen pa sa college. Bagong school life. Bagong kaklase. Bagong teacher. Bagong school (at ikaw nasa ibang school ka na nakaenroll kaya di na kita makikita.) Syempre, first day. Walang kakilala kaya tahimik lang sa isang tabi. Hiya hiya kunyare sabay sumusulyap at nagsa-sight seeing sa mga chix na napapadaan. HAHAHA. Potek. (Sisimangot ka nanaman nako yung nguso mo. May braces ka pa naman na. Hahaha)
Then, di ko alam kung anong buwan yun pero nakareceive ako ng chat galing sayo. Nabigla ako syempre! Tagal tagal nating di nagkachat, nagkatext o nagkausap e. Hahaha. Pero ang mas kinabigla ko, pag-open ko ng message. Jusq. Mukha mo yung bumungad! Nagsend ka ng picture mo sakin. HAHAHA. Talagang nagulat ako at partida napatawa pa ko. Hahaha! Tapos ayun nagkachat nanaman tayo ganitern ganern.
2nd year college. June 2016. Nakareceive ako ng text galing sayo. Nagtransfer ka pala dito sa RMTU kung saan ako nagaaral. Lol. Balik 1st year college ka nanaman. Nako. So ayun syempre first day mo dito, walang kakilala ay meron pala wala lang palang kasama. So ayun sinamahan kita, nilibot natin yung school. Hanggang sa naging close tayo. May girlfriend ako nun pero malayo sya.
At inaamin ko na. Oo na. Inudang na kita nun. Potek. Nakikiano ka rin naman. So ayun. Udang udang pakeme keme. Then nagbreak na kami nung gf ko. Hanggang sa tumagal tinanong kita kung pwede manligaw pero sabi mo studies muna. Ayun rejected ang lola nyo! Hahaha. So ayun nagrefresh muna akes. Char.
Fling fling ganern pero malalayo naman sila. Kaya yun. Kinagabihan, tinanong kita.. "Mahal mo ba ako?" Gusto ko lang malaman yung sagot mo at yung nararamdaman mo towards me. Tsaka ayoko lang umasa, and yung time na yun gusto ayusin nung ex ko yung samin. Maya maya, hindi pala. Matagal pala bago ka nagreply nun. Masyado mo atang pinag-isipan yung sagot mo. Hanggang sa nakareceive na ko ng reply mo. Ang sagot mo... "Oo naman! Kaibigan kita e." Shet na malupet! Wasak! Sabog! Basag! Punit! HAHAHA tangina bes. Friendzoned ako! Ang sakit nun ha! Pero naging friends naman tayo. Tinanggap ko naman yung naging sagot mo. At naging kami ulit nung ex ko.
Tapos.. Malaman laman ko nalang kay Anne (sya talaga saksi ng pagmamahalan natin e haha!) Nagdrama ka daw sakanya kasi nagkabalikan kami nung ex ko. Anuba! Tinanong kita nun e. Nilinaw mo naman. Sabi mo friends lang. Gulo mo rin e. Hahaha.
August 2016. SAGA. Niyayaya mo ko nun pero di ako umattend kasi di talaga ako mahilig umattend ng mga ganyan. 10pm. Magkatext parin tayo nun. Kung anu-ano pinaguusapan. Hanggang sa, nagtapat ka. Oo! Ikaw talaga yung nagtapat. HAHAHA. Naaalala ko pa yung text mo e... "I love you." Gulat ako! Hahaha.
Fast forward... September 22, 2016. Official na naging tayo. Maraming nangyari. Sobra sobra. Sa dami di ko na ikekwento. Ang daming pagsubok ang dumaan sa atin. Naging on and off ang relasyon natin. Pero kahit na ganun, tignan mo nga naman. Akalain mo yun. Aabot tayo ng isang taon? At sana humigit pa doon.
Mahal, salamat. Salamat sa pagmamahal mo. Salamat sa pagiintindi mo sa ugali ko. Kahit na minsan sobra kitang nasusungitan. To the point na napapaiyak na kita. Salamat sa lahat lahat. At sorry. Sorry kung nasaktan kita. Sorry dahil palagi nalang kitang binibiro na makikipagbreak ako which is hindi ko naman talaga kaya. Sorry sa lahat..
Mahal, sobra sobrang mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita! Sabi nga sa kanta, you don't understand how much you really mean to me. Ayshaks! English yun hahaha! Pero seryoso mahal, you are my life, my everything, my eternity, my forever, my lifetime. I love you so much! I'm very very lucky to have you in my life!
Hanggang ngayon talaga, di parin nagsi-sink in sakin na girlfriend talaga kita e. Dati pangarap lang kita. Dati crush lang kita. Pero tignan mo nga naman ang mapagbirong tadhana. Girlfriend na kita! HAHAHA. Girlfriend ko na yung payatot at mukhang butiki dati na di ko talaga type. HAHAHA!
Happy 1st Anniversary Mahal ko!
#Lovewins 🌈🌈
source facebook
Loading...
Visit and follow our website: Philippines News Blog
© Philippines News Blog
No comments:
Post a Comment