Mas Delikado ang Blood type A sa COVID-19 Ayon sa mga Eksperto - N.D.T

Latest

Netizen Daily News(Feed your mind)

Thursday, March 19, 2020

Mas Delikado ang Blood type A sa COVID-19 Ayon sa mga Eksperto



Batay sa Isang pag-aaral sa china, Mas mataas ang tsansang mahawa at magkaroon ng malubhang kaso ng coronavrius o COVID-19 ang taong may Blood Type A.



Taliwas naman ito sa Blood Type O na mababa ang tsansa na mahawa sa sakit.

Ayon sa mga Doktor at Siyentista mula sa china, Nakita ang parehong pattern sa iba’t ibang sex at age group sa panimulang pag-aaral na ginawa at nilabas noong Marso 11, 2020 sa Medrxiv.org.

Base sa din sa ginawang pag aaral,kumuha ang mga researcher ng blood group patterns ng 2,173 COVID-19 positive na pasyente sa tatlong ospital sa China: isa sa Shenzhen, dalawa sa Wuhan. Kinumpara nila ito sa dugo ng mga normal na tao sa mga nasabing lugar.



Nalaman na 85 sa 206 pasyente na pumanaw sa Covid-19 sa Wuhan ang may type A na dugo, habang 52 ang may type O na dugo.

Pinangunahan ang mga researcher nina Wang Xinghuan at George Wang Peng, Ayon sa kanila, People with blood group A have a higher risk whereas people with blood group O have a lower risk for SARS-Cov-2 infection and COVID-19 severity.

“People with blood group A might need particularly strengthened personal protection to reduce the chance of infection,” sabi pa nila. “SARS-CoV-2-infected patients with blood group A might need to receive more vigilant surveillance and aggressive treatment.”

Pero may babala ang mga researcher na hindi pa ito peer-reviewed: ibig sabihin, kailangan pang i-evaluate at ‘di dapat gamiting gabay sa clinical practice.

Kaya ugaliin ang social distancing at sumunod muna sa ating gobyerno para makaiwas mahawa o makahawa sa coronavirus o covid-19.
Loading...
DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Visit and follow our website: Philippines News Blog

© Philippines News Blog

Share It To Your Friends!

No comments:

Post a Comment