Nakarating sa kaalaman ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang impormasyon na may ilang kapitan ng barangay na namimili ng mga residente na bibigyan ng quarantine pass o food assistance.
Kaya hinikayat ni DILG Secretary Eduardo Año na isumbong sa kanila ang mga nasabing kapitan at aaksyunan nila ang mga ito.
"Yang ang tinatawag nating mga epal na mga barangay captain. I-report niyo sa amin anong pangalan, anong barangay at aaksyunan natin iyan,"
Nilinaw dinng DILG na hindi kailangan na magpakita ng voter's ID para pagkalooban ang isang indibiduwal ng relief goods.
"Hindi rin requirement ang voter's ID para bigyan ka ng quarantine pass o bigyan ka ng food assistance. Malayo pa ang eleksyon but what you're doing now will be the basis of the people wheter you'll be elected o not in the next election,"
Loading...
Visit and follow our website: Philippines News Blog
© Philippines News Blog
No comments:
Post a Comment