Local reports, nagsasabi na ang Mayor ng Ozamiz City, Misamis Occidental na si Reynaldo “Aldong” O. Parojinog ay napatay sa isinigawang raid ng ating Philippine National Police (PNP) at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kaninang umaga sa San Roque, Lawis.
Ang mga kompirmadong napatay ang kanyang misis na si Susan Parojinog, Board Member Octavio Parojinog at isang JR of Lumad TV na sinasabing mga casualties ayon sa SOCO report at locals.
Napatay si Mayor dahil nagtamo ng sugat matapos pagbabarilin, kasama ang kanyang First lady na si Susan.
Hindi pa matukoy ang rason kung bakit binaril din ang public official.
Samantalang ang anak ni Mayor Aldong na si Vice Mayor Princess Nova Parojinog Echaves ay inaresto ng mga awtoridad.
Nakakuha ng sari-saring mga baril, granada, pera, at mga illegal na droga ang mga awtoridad na nag raid sa magkaibang mga bahay ng mga opisyales na kanilang pinuntahan.
Ibang lugar pa, gaya ng hacienda ng Mayor sa Barangay Cogon, ay ireraid ngayon,July 30, 2017.
Ginawa ang raid isang linggo pagkatapos sa kontrobersyal na pagbalik ni former Albuera City chief at ngayon ay Ozamiz City Police Director Jovie Espenido ay bumalik sa panunungkulan matapos sinuspende ni General Bato ng 90 na araw.
Ang pamilya ng Parojinogs ang naging boss ng Ozamiz sa mahabang panahon kahit na marami na ang mga nagsasabi na isa sila sa pinakamalaking drug supplier sa Mindanao.
“President Duterte included Mayor Parojinog and his daughter Vice Mayor Princess Nova Parojinog in his drug list last year”, batay sa isang Intelligent report.
Sinabi ni Duterte na si mayor ay ang father-in-law ni Herbert Colanggo, isa sa mga top drug lords ng ating bansa.
Dineny ni Parojinog ang alegasyon ni Pres. Duterte at inamin na si Colangco ay boyfriend ni Vice Mayor Nova.
Sa pagsusulat ng balita ngayon, mayroon ng 11 na kompirmadong patay sa ulat ng SOCO.
Loading...
Visit and follow our website: Philippines News Blog
© Philippines News Blog
No comments:
Post a Comment