Isang dalagita na ibinugaw ng isa pang teenager sa isang pari ang nailigtas ng mga pulis sa isang operasyon sa Marikina City. nakilala ang inarestong pari na si Arnel Lagarejos, 55.
Nang maaresto si Lagarejos, nagpakilala itong "self employed" ngunit sinabi ni Senior Inspector Jacqueline Taa, hepe ng Women and Children's Protection Desk ng Marikina City Police station., na ang suspek ay isang pari.
Ikinasa ang entrapment operation nang magsumbong ang nanay ng isang 13-anyos na babae na umano'y ibinubugaw ng kaibigan na 16 taong gulang.
Sa Blue Wave Mall sa Sumulong Highway sa Barangay Sto. NiƱo inabangan ng mga pulis ang planong pagkuha sa dalagita ng isang parukya ng 16-anyos na bugaw.
Nakita ng mga pulis ang pagsakay ng dalagita at kaibigang bugaw sa isang kulay gray na Ford Explorer na may plakang TGO 350.
Nang papalapit na ang sasakyan sa isang motel sa Marikina City, agad itong hinarang ng mga pulis at inaresto si Lagarejos.
Kasong paglabag sa Republic Act 9208 o Anti-Trafficking in Persons Act ang isasampa laban sa pari.
Ayon sa ulat ng Eastern Police District, kinausap umano ng pari ang isang menor de edad rin na bugaw gamit ang social media upang makuha ang 13-anyos na dalagita.
Nakipagkasundo si Lagarejos na makipagkita sa bugaw at sa dalagita sa Blue Wave Mall sa Sumulong Highway, Barangay Sto. Nino sa Marikina City ngunit nagsumbong umano ang ina ng 13-anyos na dalagita kaya ikinasa ang entrapment operation.
Nagtangka pa diumano ang pari na bumunot ng baril nang huhulihin na, ngunit nadikitan ito ng pulis kaya hindi na natuloy.
Paliwanag pa ng pulisya, ang grupo sana ng bugaw ang nais nilang mahuli ngunit nagulat na lamang sila nang malaman na sangkot dito ang pari.
Si Lagarejos ay nakadestino sa Marikina City at Rizal at naging dating presidente ng isang Katolikong paaralan. Kilala rin ang pari bilang isa sa mga lumalaban sa pagpapatupad ng Reproductive Health law.
Nasa ilalim naman na ng kustodiya ng DSWD ang 13-anyos na dalagita at ang bugaw. Tumanggi naman na magbigay ng pahayag ang ina ng dalagita.
Watch The Video Below:

Loading...
Visit and follow our website: Philippines News Blog
© Philippines News Blog
No comments:
Post a Comment