Sampung sundalo ang namatay sa airstike sa marawi, Nagkamali ng binagsakan - N.D.T

Latest

Netizen Daily News(Feed your mind)

Wednesday, May 31, 2017

Sampung sundalo ang namatay sa airstike sa marawi, Nagkamali ng binagsakan



Malungkot na ibinalita ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nalagasan ng sampung sundalo ang tropa ng gobyerno matapos matamaan ng airstrike sa nagpapatuloy na bakbakan laban sa Maute-ISIS group sa Marawi city.



Ayon kay Lorenzana, kahapon ng tanghali natamaan ang mga sundalo ng sariling airstrike ng militar na syang ikinasugat din ng walong mga sundalo.

Narekober na umano ang mga labi ng mga sundalong nasawi at naipaalam na ang nagyari sa kanilang mga kaanak.

Bagaman nalulungkot, batid umano ni Lorenzana na minsan ay nangyayari ito sa gitna ng bakbakan at posibleng hindi maayos ang naging koordinasyon ng militar on ground.

WATCH THE VIDEO BELOW:


Sinabi rin ng kalihim na pangungunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Eduardo Año ang imbestigasyon sa naturang insidente.

Batay sa mga naunang ulat, kino-cover ng mga nasawing sundalo ang operating troops on ground nang tamaan ang mga ito ng airstrike.

WATCH THE VIDEO BELOW:




source: abs-cbn facebook page
Loading...
DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Visit and follow our website: Philippines News Blog

© Philippines News Blog

Share It To Your Friends!

No comments:

Post a Comment