Binalita ng US na pwede nang gamitin ang Remdesivir bilang gamot kontra COVID-19 - N.D.T

Latest

Netizen Daily News(Feed your mind)

Thursday, April 30, 2020

Binalita ng US na pwede nang gamitin ang Remdesivir bilang gamot kontra COVID-19



Inanunsyo ni US National Institute of Allergy and Infectious Diseases Director Dr. Anthony Fauci na naging posibito ang resulta ng clinical test sa gamot na Remdesivir sa mga nagpositibo sa coronavirus o COVID-19.



Ito ang naging pahayag ni Dr. Fauci sa kanyang pag-anunsyo sa oval office sa White House matapos matanggap ang clinical report na isinigawang experimental coronavirus treatment.

Sa kanyang pag inanunsyo sinabi ni Dr. Fauci na isa ring miyembro ng US Task Force on coronavirus, “It is very important proof of concept because what it is proving is that a drug can block this virus. The data shows that Remdesivir has a clear-cut significant positive effect in diminishing the time to recovery.”

Ayon sa report ng National Institutes of Health na nagsagawa ng Adaptive COVID19 Treatment Trial na nagsimula noong Pebrero 21.

Nasa 1,063 coronavirus na pasyente na nasa hospital sa buong mundo lumalabas na mas napabilis ng Remdesivir ang recovery period ng mga pasyente.

Sa ngayon, Ito na umano ang pinakamabilis sa lahat na gamot na isinailalim sa clinical testing.

Dahil sa balitang ito, agad na inatasan ni US President Donald Trump ang U.S Food and Dr*gs Administration na agad na magpalabas ng emergency use ng Remdesivir.

Agad naman nakipag-ugnayan ang US FDA sa kompanyang Gilead Sciences Inc. na siyang gumawa ng naturang gamot na magsagawa ng mass production para agad na magamit ng mga doktor.

Kahit na mas napabilis ang recovery period ng mga pasyente, nilinaw ni Dr. Fauci na hindi pa nila masasabi kung ang Remdesivir na ba ang gamot kontra sa COVID19.

Pero maaari na umano itong gamitin pansamantala matapos ang positibong naging resulta.

Source: CNN
Loading...
DISCLAIMER: (NO COPYRIGHT INTENTIONS, FOR SUPPORT AND EDUCATIONAL PURPOSES ONLY) I do not own ANY of the soundtrack, property and rights for audio/ video go to the OWNER. If any content owners would like their images/video removed, Please Message me and I will do so. No copyright infringement intended. Copyright reserved to the respected owner(s) of this video and copyright parties.Thank you for being considerate.

Visit and follow our website: Philippines News Blog

© Philippines News Blog

Share It To Your Friends!

No comments:

Post a Comment