Napakaraming mga tao ang nawalan ng trabaho at pagkakakitaan mula nang pumutok ang krisis ng COVID-19 sa bansa. Hindi rin naman nagpabaya ang gobyerno dahil sa pagsusumikap nitong mabigyan ng wastong tulong ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino.
Isa na sa mga naging hakbang ng ating pamahalaan ay ang pagbibigay ng ayuda sa pamamagitan ng Social Amelioration Program o SAP. Ngunit sa kasamaang-palad ay hindi lahat ay nakatanggap at hindi lahat ay maaaring makatanggap ng naturang tulong-pinansyal dahil na rin sa maliit na alokasyon ng budget sa bawat barangay.
Sa Tarlac, isang matandang lalaki ang labis na nalungkot dahil sa hindi ito nakatanggap ng naturang tulong mula sa gobyerno. Nang kumalat sa social media ang mahirap na kalagayan ng matanda ay talaga namang inulan ng pambabatikos at negatibong reaksyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa hindi pagbibigay tulong sa kawawang matanda.
Nang malaman ito ni Patrolman Mark Ramirez ng Tarlac Provincial Office ay agad siyang naghatid ng kaunting tulong para sa matanda. Gamit ang sarili niya mismong pera ay namili ng ilang mga pagkain ang magiting na pulis hindi lamang para sa matanda kundi para na rin sa mga kapitbahay nito.
Kahit pa kinailangan niyang magbenta ng ilan sa kaniyang mga gamit ay balewala ito sa kaniya dahil ang nais niya ay makatulong lamang sa mga taong nangangailangan. Hindi na napigilan pang maging emosyonal nang pulis nang makita nito ang napakahirap na kalagayan ng matandang lalaki na hindi man lang nakonsidera para sa benepisyong mula sa gobyerno na sana ay magiging napakalaking tulong para sa kawawang matanda.
Gayunpaman ay labis pa rin ang kaniyang pasasalamat dahil mayroon pa ring mga taong tulad ni Patrolman Mark Ramirez na nag-aabot ng tulong sa mga taong tunay na nangangailangan. Tunay nga na sa mga panahong ito ay napakalaking bagay na ang pagkukusang-loob na pagtulong ng marami sa ating mga kababayan maliit man ito o malaki.
Loading...
Visit and follow our website: Philippines News Blog
© Philippines News Blog
No comments:
Post a Comment